Europe-PH News

P1 TAAS PASAHE SA BUS

October 19, 2018

Pilipino Mirror

Europe-PH News

INAPRUBAHAN nang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang provisional PI increase sa pasahe sa bus sa Metro Manila at provisional fare adjustments para sa provincial bus operations.

Ayon kay LTFRB Chair man Martin Delgra III, ipatutupad ang pisong taas-gasahe sa unang limang kilometro at dagdag na 15
sentimos sa mga susunod na kilometro.

Epektibo ang bus fare hike 15 araw matapos mailathala sa pahayagan ang aaunsiyo, posibleng sa unang linggo ng Nobyembre.

Una rito ay inaprubahan na rin ng LTFRB ang P10 minimum fare sa jeep.

Inaprubahan ng regulators ang dagdag­pasahe dahil sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. Sinabi ni Delgra na sakop ng fare increase ang 'lahat ng bus services, kabilang ang ordinary, air­conditioned at deluxe units. 

Sa desisyon ng LTFRB, ang pasahe sa ordinary bus sa Metro Manila aj lataas sa PI 1 mula sa kasalukuyang P10 para sa unang liman­g kilometro. Para sa mga susunod na kilometro, ang rateay mananatili sa PI.85

Ang fare rates sa airconditioned bus ay magiging P13 mula sa kasalukuyang P12 para sa unauulimang kilometro, habang
ang rate para sa susunod na kilometro ay mananatili sa P2.20.

Para. sa provincial bus, mananatili sa P9 ang pasahe sa ordinary bus sa unang limang kilometro, habang ang rate sa susunod na kilometro ay itinaas sa PI.55 mula sa kasalukuyang P1.40.

Sa regular air­conditioned bus, ang minimum fare ay tumaas sa P1.75 kada kilometro mula sa PI.60.

"De Luxe aircon bus: Minimum Fare increased to PI.85 per kilomter from PI.70. Super de luxe aircon bus Minimum fare increased to PI.90 per kilometer from PI.80. Luxury aircon bus: Minimum fare increased 'to P2.25 per kilometer from P2.40,'' na­kasaad pa sa desisyon ng L1TRB

"All PUB operators shall post a fare matrix duly issued by (lie Board inside their public utility bus that would be continuously seen by
the riding public Otherwise, PUB operators shall not be allowed to collect/charge the fare adjustment as provided herein," ayon pa sa desisyon.

Samantala, humingi ng pang­unawa ang Malakanyang sa puhliko sa dagdag pasahe sa bus at jeep.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, "tiyak na babalik din sa dati ang pamasahe kapag kumalma na ang merkado."

Aniya, sa ngayon ay kinakailangarig kagatin muna ang taas­-pasahe sa mga pam­­publikong sinasakyan. Nagbabala naman ang National lEconomic and Development Authority (NEDA) sa posibleng inflationary impact ng fare hikes sa jeep at bus.

"Well, anything that increases the cost of service increases inflation," pahayag  ni Socioeconomic Planning Secretary at NEDA Director General Ernesto Pemia sa sidelines ng EU­-Philippines Business Summit sa Paranaque City.

"I think, we only approved "50 centavos. Ad­ditional 50 centavos," ani Pernia.

Hindi naman masabi ni NEDA kung ano talaga ang magiging epekto ng. dagdag­pasahe sa inflation.

"We have to find out what the quantitative effect will be," ani Pernia.

Sa isang liham kay Delgra, sinabi ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillion na ang provisionary increase na inaprubahan
ng LTFRB ay bahagyang magtataas sa annual inflation rate ng 0.076 ­percentage point kapag ipinatupad simula Oktubre.

"Its inflationary impact will, however, result in higher inflation in 2019 as it is estimated to, contribute 0.221­percentage point to the country's annual inflation next year," sabi ni Edillon.

  • Europe-PH News

  • September 17, 2024

    Converge Unlocks Next-Level Hospitality with Converge Concierge with SkyTV

    Converge ICT Solutions Inc., the Philippines’ leading fiber broadb... Read More

  • June 24, 2024

    Turkish Airlines Named Best Airline in Europe at Skytrax Awards for the Ninth Time

    Turkish Airlines, the airline that flies to more countries than an... Read More

  • July 02, 2024

    Eastern Communications' employee-centric culture earns Great Place To Work Certification™

    Manila, Philippines — Eastern Communications... Read More